“Friendzone”
Ito yung sitwasyong hindi mo alam kung dapat ka bang matuwa dahil magkaibigan kayo ng taong mahal mo. O maging miserable dahil hanggang magkaibigan na lang kayo.

(Source: angnagiisangjossa)
Ito yung sitwasyong hindi mo alam kung dapat ka bang matuwa dahil magkaibigan kayo ng taong mahal mo. O maging miserable dahil hanggang magkaibigan na lang kayo.

(Source: angnagiisangjossa)

What a brother! This a brother everyone will wish they have.
(Source: smartphowned.com)

“FRIENDZONE” :(
If only you could teach your ♥ whom to love…
(Source: smartphowned.com)
Mali ang pumasok sa isang relasyon habang sugatan ang puso. Ang resulta, gagamitin mo lang ang taong mai-involve sayo para punan ang espasyo sa dibdib mo. Dahil para makapagbigay ng wagas na pagmamahal, dapat ay buo ka. Para ang atensyon at pagmamahal na maibibigay mo ay buo din.
(Source: angnagiisangjossa)
Maraming bagay akong sa kanya ko lang unang naranasan at nagawa. Sa kanya ko lang naranasan yung pakiramdam na gusto kong umiwas dahil natatakot akong mahalata nyang may gusto ako sa kanya, pero hindi ko magawa dahil gusto ko yung pakiramdam kapag kasama sya. Sa kanya ko lang din naranasan yung hindi namamalayan ang paglipas ng 2-4 na oras dahil kausap ko siya, kahit na ang totoo wala namang kwenta ang pinag-uusapan namin… ang hindi magsawang marinig ang boses at tawa ng isang tao kahit araw-araw ko pa syang kausap… ang hindi mapakali dahil kausap siya kahit pa sa telepono lang… ang hindi makatutok sa ginagawa o sa trabaho dahil lang ka-chat ko siya… ang kayaning pagsabayin ang pagkain o pagsepilyo ng ngipin at pakikipag-usap sa telepono… ang nawawala ang antok dahil lang narinig ko ang boses nya… ang makipagbabaran sa telepono hanggang alas-5 ng umaga at magising na sabik ka pa ring maka-usap siya… Sa kanya ko lang nagawang kumanta nang hindi nahihiya dahil gusto nyang marinig akong kumakanta… ang pumasok sa trabaho nanghindi lang puyat kundi walang tulog!Ang manatiling gising ng humigit kumulang tatlumpung oras dahil lang kausap siya… Sa kanya lang hindi ko kayang magalit kahit napakasakit ng ginawa nya… ang maghintay kung kailan ulit kakailanganin nya… ang maghintay nang wala kasiguraduhan… ang umiyak nang ilang gabi… ang magpaka-tanga kahit na alam ng rasyonal kong isip na katangahan yun… ang gawin ang mga bagay na kahit alam kong masasaktan ako… dahil alam kong doon ako sasaya… kahit pa panandalian lang…
(Source: angnagiisangjossa)
Bakit ganun?! Parang ang dali lang para sa kanilang kausapin ka? Pero 'pag ako, nauutal na nga ako... naglalaho pa bigla yung sasabihin ko.

(Source: angnagiisangjossa)
Nung nginitian nya ako, nabusog na ako. Hindi ko tuloy ako nakapag-lunch.

(Source: angnagiisangjossa)
Bakit ganito? Ang bilis ng tsug tsug tsug ng puso ko? Tapos namamawis ang mga palad ko. Ano bang super powers ang meron ka at nagagawa mo sakin to?

(Source: angnagiisangjossa)